Miyerkules, Disyembre 14, 2011

Ballpen o Ballpoint?


Gaano nga ba talaga kahalaga ang dalawang salitang ito? Madalas gamitin natin ang salitang Ballpen pero alam ba ninyo na walang salitang Ballpen na nakasulat sa kahit anumang pahina ng U.P. Filipino Dictionary at kay pareng Webster’s Dictionary? “Pare, tol, bespren, dude, classmate, sir, mam, hoy may ballpen kaba? Pahiram naman oh” mga linyang madalas kong marinig noong College pa ako pero teka? Diba wala namang salitang Ballpen? Ang gulo diba?

Isang katangian ng wika ay ang pagiging arbitraryo  na kung saan ito ay maaring mapagkasunduan ng mga gumagamit. Walang masyadong nakakapansin sa salitang ito na hindi man lang pala nakalagay sa kahit anung diskyunaryo pero mahirap parin na sabiheng ito ay mali. Kung magbabase ka lamang sa mga nakasulat ng mga alituntuning pang wika maari mong sabiheng ita a isang “Grammatical error” sa tuwing binabanggit sa kahit na anu mang pangungusap, akalain mo? Nawrowrong grammar pala tayo sa sariling wika natin? Pero anu ba yung tama? Sabi ng prof ko dati ang tama daw ay ballpoint pen o kaya naman ay pinasimpleng pen. Marami din na hindi nakakaalam na may maliit na metal ball talaga sa dulong panulat ng mga ballpoint pen(oh ayan ah), katulad lamang ito sa konsepto ng mga roll-on deodorants(bakit nasali usapang kili-kili dito?) na kung saan ang downwards motion ng pagsusulat ay tumutulong sa pagbaba ng tinta tungo sa papel at ang metal ball naman ay ang pumipigil sa sobrang tinta. Ang galing at napakasimple ng idea pero epektibo di ba? Necessity is the mother of invention ika nga, noong wala pa kasing ballpoint pen ang gamit ng mga manunulat ay Pluma(hindi ko alam kung saang ibon binubunot ito) na galing sa salitang Latin na ang literal na kahulugan ay feather. Sa panahon ngayon eh halagang P10 may panulat kana oh diba? May lumang kasabihen sa Ingles pen is mightier than the sword hindi man nito kayang mamugot ng ulo maari ka naman gumawa ng kabal-balan gamit ang imbensiyong to tulad na lang ng pagdrawing sa taong kinaiinisan mo at iwan kung saan-saan na puwede niyang makita. Hindi nga mapagkakailang napakamakapangyarihan ng imbensiyong ito sa kamay ng nakakaalam kung papaano ito gamitin. Ang anumang sinulat ng isang tao ay isang reflection ng kanyang sarili at pananaw mapa-numero man yan sa jueteng o pirma sa attendance mo tuwing eleksyon, ang paggamit mo nito ay isa paring malaking panangutan kung sakali man na ikaw ay mapahamak. Hindi na bago ang dahas sa mata ng tao yung iba parang normal na lang at yung iba wala lang talagang magawa laban dito. May mga nagsulputang pen guns, pen knife at sa tulong ng teknolohiya nagkaroon na rin ng mga built-in cam recorder ( dati kay agent 007 lang to pero madalas ginagamit itong pamboso) ang tindi diba? Hindi naman siguro masamang bigyan ng masyadong pansin ito sa lipunan pero madalas kasi ito ang ginagamit na kasangkapan upang gawin kung anu man ang ninanais nila sa lipunan masama man o hindi. Ito na lang masasabi ko, huwag mo na lang hayaang magtae yang panulat mo habang nasa bulsa mo sige ka mahirap maaalis yung mantsa ng tinta.

Linggo, Nobyembre 27, 2011

Ang Papel na malaki ang ginagampanang Papel.

Papel , gunting at bato ang mga walang kupas katagang isinisigaw tuwing naglalaro ng Jack en Poy mapa bata man o matanda kapag minsan eh hirap magdesisyon sa mga bagay-bagay na may konting katatawanan(Guilty din ako dito). Kung papel vs. gunting = talo ang papel, kapag papel vs. Bato = talo ang bato ang weird no? Nabalutan lang ng papel ang bato eh talo na daw, ano raw?
                
            Ang papel daw eh pinaniniwalaang naimbento ng mga Chinese noong 105 A.D. sa pamumuno ng Han Dynasty at ang salitang Papyrus naman ay ang pinaniniwalaang pinagugatan ng salitang Papel o Paper sa Ingles na isang uri ng halaman sa bansang Greece. Ang pinatuyo at hinabing papyrus ay ang kanilang ginamit na sulatan o katumbas ng papel bago pa man maimbento ng mga Chinese ang papel. Ang kauna-unahang gamit ng papel sa mga nakaimbento nito ay bilang pambalot sa mga sinaunang bronze mirrors upang ito ay maproteksyonan sa mga gas-gas.

Teka nga muna tama na ang history, anu nga ba at medyo kontrobersyal ang papel? Ang mga environmental issues na inaalboroto ng mga pro-environment na mga organisasyon ang nangunguna dito ay ang Deforestation na kung saan tumataas ang porsyento ng mga dumaraming nakakalbong kagubatan dahil ang papel ay galing sa mga puno, Air-Pollution naman ang resulta sa tuwing ito ay ginagawa ng mga paper manufacturers. Imagine a world without paper nalang ang laruin natin kaysa Jack en Poy, medyo mahirap hindi ba? Mawawala ang mga pahina ng paborito mong libro at magazines, wala ka ng hihingiin sa katabi mo tuwing exams sa klase, hindi mo na maidodrawing ang mga kinaiinisan mong prof maliban na lang kung malakas ang loob mong gawin ito sa pader at mga blackboard, wala ng gagamitin ang mga sosyal sa last step of digestion at tataas ang demand sa tabo, wala ng gagamiting pambalot ang mga humihithit ng MJ, hindi na rin mararanasan ng mga kinder ang gumuhit sa krayola at marami pang iba ang hirap diba? “Paper is more patient than people” ika nga ni Anne Frank kaya siguru nilagay ang mga konstitusyon, kasunduan, lectures, journals at iba pang importanteng bagay sa papel dahil likas na mareklamo ang mga tao. Pero heto ang pinakamatindi kung hindi naimbento ang papel sa mundo, hindi rin maiimbento ang salitang E-P-A-L.

Lunes, Nobyembre 21, 2011

Bakit Pan de Sal?

        Sino nga ba namang pinoy ang hindi nakakaalam o nakatikim man lang ng pangkaraniwang tinapay na ito? Tila hindi kumpleto ang karaniwang almusal ng isang pinoy kung wala ita sa kanyang hapag kainan tuwing umaga. Minsan nga eh tanging pandesal lang ang kinain tapos sibat na papuntang trabaho o kaya naman sa eskuwela, hindi na rin masama kung pandesal lang ang kinain mo sa umaga para umpisahan ang araw mo bakit ika mo? Kasi naman ang pandesal ay nabibilang sa pinakamalaking bahagi ng “Food Pyramid” kung saan carbohydrates na siyang pinakamalaking kailangan ng tao sa kanyang diet upang magkaroon ng sapat na lakas. Ang salitang Pan de Sal ay salitang galing sa mga kastila na ang ibig sabihin ay tinapay na may asin at ang pangunahing sangkap nito ay harina(flour) at pampaalsa(yeast). Hindi lamang ito madalas makita sa almusal, madalas din na makita ito sa meryenda na kung saan ang mga sobra sa almusal eh iniinit na lang(after three o’clock eating habit) at sa mga lugar na uso pa ang harana eh may naglalako pa nito tuwing gabi.
Ano ba ang meron sa Pandesal? Sa nakikita ko eh wala naman talagang espesyal sa tinapay na ito yung korte nga eh nakakabato at wala na ngang palaman kapag napatiyempo eh hangin lang ang laman. Ano ba ang katangian ng simple? Kasi naman ang simple ay puwedeng gawing elegante, hindi tulad ng elegante eh pag napasobra nakakaumay na. Parang yung Starry Night ni Van Gogh at Mona lisa ni Da Vinci ay pare-parehong galing sa simple at blankong painting canvass ganun din ang Pandesal na wala man lang itong kahit na anong dekorasyon at pampalasa eh maari naman itong lagyan ng mantikilya, keso, ketchup, sardinas, hotdog, sausage, hamon, tocino, itlog, mayonnaise, kung puwede nga lang pati yung spinach ni Popeye at halus yata ng putahe eh puwedeng ipalaman. Pero kung wala ka naman maisip na maipalaman eh isawsaw mo na lang yan sa kape mo na may gatas man o wala, ika nga ng yumaong si FPJ “walang matigas na tinapay sa mainit na kape!.”.

        Bawat baranggay yata hindi pupwedeng walang bakery para magtinda ng mga tinapay lalu na ang Pandesal parang Starbucks lang sa bawat naglalakihang mall diba? Marami ding nasasayang na Pandesal sa loob ng araw-araw na tumitigas na lang at tinatapon sa basurahan, hindi ba seryosong problema yun ika mo? Noong taong 2008 at 2010 tila parang katumbas ng crisis sa ekonomiya ng Amerika kung pumutok ang mga balita sa media at pahayagan na nagkakaroon ng kakulangan sa supply ng harina sa bansa. Kaya naman nakaisip sila ng mga alternatibong sangkap tulad ng kalabasa, komote at iba pa, at pinanganak ang “Yellow Pandesal”. Para kasing oil price hike kung makapagreklamo ang masa sa pagtaas ng presyo ng Pandesal sa kadahilanang kumokonti ang supply ng harina sa Pinas.

      Oo, Pinoy Pandesal nga ang title ng aking blog eh akin naman to eh kung ayaw mo gumawa ka ng sarili mo (joke lang ^^). Sa aking sariling pananaw isa kasi ito sa mga sagisag ng ating kultura na minana pa sa ating mga ninuno at mahirap ng burahin kahit magkaroon pa ng vendomachine ang Gardenia. Isa pang kadahilanan eh mas pipiliin parin kasi ng Pinoy ang mga pagkaing pang masa (kung merun nga lang TIN number ang mga street food vendors eh tiyak na mas yayaman ang mga (censored)), kaya nga pumatok ang mga “Student meal” at “Value meal” gustuhin man natin o hindi marami parin talaga ang mga Pinoy na “Can’t Afford” nakakalungkot man na isipin at nakakainis naman para sa iba diba?

     Ano itatapon mo na lang ba yang sobrang Pandesal mo? Isipin mo na lang yung magsasakang nagbungkal ng lupa at naghintay ng ilang buwan para anihin at may isasakong harina na mamasahin ni manong na magtitiyagang iluto sa mainit pugon.